Binatilyo, kinadena ng sariling ina

Manila, Philippines – Nasagip ng mga otoridad ang isang 11-anyos na binatilyo matapos ikadena ng kaniyang ina at tiyuhin sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Brgy. 737 Chairman Dennise Racelis, ikinadena ang bata nang malaman ng ina nito ang hindi pagpasok sa paaralan.

Depensa ng ina ng bata, pasaway ito at bulakbol.


Nais lang rin aniya nilang disiplinahin ang kaniyang anak.

Iginiit naman ni Supt. Emery Abating, hepe ng Ermita police, dapat managot ang ina ng binatilyo maging ang tiyuhin nito.

Nakikipag-ugnayan na ang MPD, barangay at Manila Social Welfare para makatulong sa pagbibigay ng sustento sa biktima at mga kapatid nito na nasa pangangalaga ng kanilang tiyahin.

Facebook Comments