Binatilyo na nakuhanan ng mahigit 30-K ng umano’y shabu sa checkpoint ng Makati-Pateros

Kulungan ang tuloy ng isang binatilyo matapos itong nakuhanan ng ipinagbabawal na droga sa checkpoint ng Makati-Pateros Boundary.

Nakilala ang suspek na si Justine Carlo Beley Matias, 18-anyos, residente ng Barangay Rizal, Makati City.

Nakuha mula sa suspek ang 5.49 grams ng shabu na may katumbas na halaga na ₱37,000.


Batay sa ulat ng Makati Police Station 9, pasado alas-9 ng umaga habang papasok ang suspect sa makati, galing pateros, ng sitahin ito ng mga nagbabatay na mga pulis sa Inner Quarantine Control Point Makati-Pateros boundary dahil wala itong suot na face mask at wala ring dalang quarantine pass.

Nakakulong na ang binatilyong suspek sa Police Station 9 ng Makati ay nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments