Binatilyo, nahulihan ng P6.8M shabu na siniksik sa lagayan ng tsaa

530

Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos makuhanan ng tinatayang P6.8 milyong “shabu” nitong bisperas ng Pasko, sa Caloocan City.

Ayon kay Police Col. Noel Flores, nahuli ang suspek nang lagpasan niya ang checkpoint sa Sta. Rita, Tala, North Caloocan sakay ng motorsiklo.

Hinabol ng pulis ang binatilyo at nakumpiska ang kontrabandong itinago sa pakete ng tsaa.


Sa ngayon, nakapiit ang lalaki sa Caloocan Police Headquarters.

Patuloy naman umano ang imbestigasyon ng awtoridad tungkol sa napag-alamang grupong kinabibilangan ng suspek.

Facebook Comments