Binatilyo, natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig

Nakita na ang bangkay ng isang 13-anyos na binatilyo na natagpuang palutang-lutang sa Pasig River sa Barangay Ugong, Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Onix Pahayahay Perdroso, residente ng Barangay Tumana, Marikina City, na nawawala habang naliligo kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Marikina River noong Miyerkules.

Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon ng Eastern Police District (EPD) na ang bangkay ng binatilyo ay palutang-lutang malapit sa Sandoval Bridge sa Barangay Ugong kahapon ng alas-1:00 ng hapon na posibleng inanod patungo sa naturang lugar.


Isa umanong concerned citizen ang nakakita sa katawan ng biktima at agad na ipinagbigay alam sa mga barangay official.

Facebook Comments