Binatilyo, Patay Matapos Magbigti!

*Reina Mercedes, Isabela- *Patay ang isang binatilyo matapos na magpakamatay pasado alas dose kaninang tanghali sa Purok 4, Brgy. Nagpaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagbigti gamit ang nylon na lubid ang disi syete anyos na kinilalang si Jhon Mark Paelmoca, grade 11 student na residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, Isabela, natagpuan na lamang ng ama ng biktima na wala na itong buhay habang nakasabit ang katawan sa kanyang kwarto gamit ang isang nylon.


Ayon sa pamilya ng biktima, nakakaranas umano ng depresyon ang kanilang anak na posibleng dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Facebook Comments