Binatilyo, patay sa pamamaril sa Muntinlupa City

Muntinlupa – Patay ang 18-anyos na binatilyo motorcycle rider matapos barilin ng nakamotor rin sa new compound, Muntinlupa City.

Dead on the spot ang biktima na si Jason Nazareno habang inoobserbahan sa ospital ang angkas nitong si Ricky Leuterio, 17-anyos.

Ayon sa saksi, mabilis ang patakbo ni Nazareno sa motor habang hinahabol ng nakamotor ring suspek.


Pero sumemplang ang mga biktima pagliko sa new compound.

Blangko naman ang mga kaanak ng biktima sa motibo sa pamamaril.

Facebook Comments