Binatilyo, patay sa riot sa Tondo Maynila

*Tondo Maynila* – *Patay ang isang 16-anyos na lalaki matapos tamaan ng sumpak sa riot ng mga kabataan sa Tondo, Maynila.*

*Sa kuha ng CCTV camera, makikita si Aldin Pomarca na humingi ng saklolo sa barangay outpost, kasama ang dalawang kaibigan.*

*Hawak pa niya ang mga sugat sa binti at hita nang isakay sa tricycle patungong ospital na kinalaunan ay binawian rin ng buhay.*


*Ayon sa ina ng biktima na si Annie Pomarca, nagpaalam lang ang kanyang anak na si Aldrin na pupunta sa computer shop pero sumali pala ito sa rambol sa road 10, barangay Tondo.*

*Nasugatan naman sa riot ang isang pahinante ng truck na tinamaan ng bato sa ulo.*

*Kwento ng mga binatilyo sa lugar, madalas silang nagra-riot para magpasikat sa mga kaibigan at nililigawan.*

Facebook Comments