Binatilyo, Pinagsasaksak ang Isang Lalaki!

Aparri, Cagayan- Arestado ang isang binatilyo matapos nitong pagsasaksakin ang isang lalaki sa Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si John Aaron dela Cruz, nasa hustong gulang habang kinilala naman ang suspek na si Jhay Lorilla, 18 anyos, at mga pawang residente sa naturang Barangay.

Sa Imbestigasyong ibinahagi ng Cagayan Police Provincial Office sa RMN Cauayan, nagkakatuwaan umano ng grupo ng biktima sa isang tindahan sa nasabing barangay ng biglang dumating ang suspek at tinanong ito ni dela Cruz kung ano ang kanyang problema na naging simula na ng kanilang hindi pagkakaunawaan.


Habang nagtatalo naman ang dalawa ay bigla umanong hinugot ng suspek ang kanyang dalang kutsilyo at biglang pinagsasaksak si dela Cruz.

Samantala, agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima habang ang suspek ay dinakip naman ng mga pulis at dinala sa kanilang himpilan.

Sinampahan naman ng kasong Frustrated Murder si Lorilla at ansamantala namang makakalaya ang ito kung makakapag lagak ng pyansang nagkakahalaga ng tatlumput anim na libong piso.

Facebook Comments