Binatilyo sa Baggao, Cagayan, Ginahasa!

Baggao, Cagayan – Ginahasa ng kapwa lalaki ang isang kinse anyos na binatilyo kamakailan sa Brgy. Alba, Baggao, Cagayan.

Sa impormasyong ibinahagi ng Baggao Police station, Kinilala ang biktima na itinago sa pangalang “John”, labinlimang taong gulang, estudyante, habang ang suspek naman ay kinilalang si Modesto Dorendes, limampung taong gulang, may asawa at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Inutusan umano ng suspek ang binata na bumili sa tindahan at nang makabalik na ang binata ay bigla na lamang hinila ni Dorendes ang biktima sa loob ng kaniyang kwarto at dito isinagawa ang panghahalay.


Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay SPO3 Glenda Geron, ang imbestigador ng PNP Baggao, hindi pa naaaresto ang suspek dahil hinihintay pa lamang umano ang resulta ng medico legal ng biktima na gagamitin bilang ebidensya laban sa suspek.

Samantala, bagama’t hindi pa nadadakip ang suspek ay inihahanda na ng kapulisan ang kasong kakaharapin ni Modesto Dorendes.

Facebook Comments