Binatilyo,Binaril!

Tuguegarao City, Cagayan – Binaril kahapon ang isang binatilyo sa Tuguegarao City.

Ang biktima ay nakilalang si Niño Lazo, 17 anyos at residente ng Balzain East ng naturang lungsod.

sa report ng RMN Cauayan News Corrrespondent na si Evangeline Malana, nangyari ang pamamaril bandang 3:15 kahapon ng Pebrero 6, 2018 sa Liban Street, Brgy Balzain East Lungsod ng Tuguegarao.


Namatay din ang binatilyo matapos itong isugod sa Cagayan Valley Medical Center.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa pinangyarihan ng krimen nang nilapitan siya ng dalawang kalalakihan at siya ay pinagbabaril.

Batay pa sa impormasyon ng PNP Tuguegarao, naka suot ng face bask at sun glasses ang dalawang suspek na bumaril sa biktima.

Tumakas ang mga ito sakay sa walang plakang itim na Honda XRM at tumalilis sa di malaman na direksiyon.

Kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng PNP Tuguegarao sa naturang krimen.

Facebook Comments