Binatilyong Nagbibisikleta, Patay nang Mabangga ng Pick-up!

*Echague, Isabela- *Patay ang isang binatilyo matapos mabundol ng kasalubong na sasakyan pasado alas singko kaninang madaling araw sa pambansang lansangan ng Brgy Garit Norte, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang nasawing nagbibisikleta na si Art Cartajera, 15 anyos, residente ng Brgy San Juan, Echague, Isabela habang ang suspek at driver ng pick-up ay nakilalang si Aser Domingo, 64 anyos, isang empleyado ng gobyerno at nakatira sa Brgy. II, Jones, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Echague, binabaybay ng biktima ang lansangan patungong Brgy Ipil, Echague nang mabangga nito ang likurang gulong ng kasamang nagbibisikleta na si Jared Mendez.


Dahil dito, nawalan ng balanse ang biktima kaya’t napunta ito sa kabilang linya dahilan ng kanyang pagkabunggo sa paparating na pick-up.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang bisikleta ng biktima maging ang suspek at inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property na isasampa laban kay Aser Domingo.

Facebook Comments