BINATILYONG NAMUMULOT NG BAKAL, NABAGSAKAN NG SEMENTO-PATAY

Cauayan City – Binawian ng buhay ang isang binatilyo matapos mabagsakan ng semento mula sa hinukay na drainage canal sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Roxas PS, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na namumulot umano ng bakal sa ilalim ng hinukay na drainage canal ang biktimang si alyas “Son”, 14 anyos, kasama ang nakababatang kapatid nito.

Habang hinihila nito ang isang bakal sa ilalim ng semento, hindi inaasahang bigla na lamang gumuho ang malaking parte ng sementong nasa itaas ng hukay dahilan para madaganan nito ang biktima.


Kaagad namang sinaklolohan ng mga taong nasa lugar ang biktima at sa tulong ng excavator, naiangat at natanggal ang sementong nakadagan dito.

Watch more balita here: DOST REGION 2, NAGSAGAWA NG COLLABORATIVE MEETING

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit sa kasamaang palad ay idineklara itong Dead on Arrival.

Facebook Comments