Binatilyong pinatay ang kaiskuwela matapos malamang buntis, nahatulan ng 65 taong pagkakakulong

INDIANA, USA – Nabigyan na ng sentensyang 65 taong pagkakakulong ang isang binatilyo matapos mapatunayan ang pagpatay sa 17-anyos na kaiskuwela nang umamin itong 6 na buwan ng buntis.

Nabigyan na ng parusa si Aaron Trejo, nito lamang Martes ng St. Joseph County Superior Court dahil sa pagpaslang kay Brena Rouhselang noong Disyembre 2018.

Ayon sa pulisya, nangyari ang krimen nang kausapin ni Rouhselang ang suspek tungkol sa dinadala nito at siya ang naturang ama.


Sa salaysay ni Trejo, pinatay niya ang biktima sa pamamagitan ng saksak at saka binalot sa plastik dahil huli na umano at hindi na maaaring ipalaglag pa ang bata.

Sinakal din daw niya ito saka itinapon sa ilog ang kutsilyong ginamit sa pagpatay gayundin ang cellphone ng biktima.

Hinatulan ng 55 taon para sa kasong murder at 10 taon naman para sa kasong feticide o aborsyon matapos ang 394 araw na palugit, ang suspek.

Maaari pang tumaas sa 16 taon ang kanyang sintensya sa kasong feticide, ayon sa korte.

Facebook Comments