Binatilyong tumilapon mula sa motorsiklong nakabanggaan ng bus, nasagasaan ng isa pang bus

1100
File photo

Patay ang isang pasaherong binatilyo sa banggaan sa kalsada sa Mulanay, Quezon province, Miyerkules, Pebrero 6.

Kinilala ng Mulanay police ang biktima na si Joshua Untalan, 17, na angkas ng motorsiklong minamaneho ni Ramil Manalo, 18.

Bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bus na minamaneho ni Rannel Tanola, pasado alas-8 ng umaga sa national highway sa bayan ng Cambuga.


Tumilapon sa kalsada si Untalan ngunit nasagasaan ng isa pang bus na minamaneho naman ni Jehfrey Osia.

Isinugod si Untalan at drayber ng motor na si Manalo sa Bondoc Peninsula Catanauan Hospital, subalit binawian ng buhay si Untalan sa daan.

Nananatili naman sa ospital ang sugatang si Manalo.



Habang ang dalawang drayber ng bus ay nasa kostudiya ng pulisya.

Facebook Comments