Manila, Philippines – Binawasan ang security personnel na nagbabantay kay Senador Antonio Trillianes IV.
Ito ang kinumpirma ni PNP spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana.
Aniya batay sa ginawang evaluation ng Philippine National Police (PNP) sa request for renewal ng protective security personnel ng senador natukoy na mayroon itong anim na security personnel.
Dalawa rito ay mula special detail unit ng AFP general headquarters and headquarters service command, dalawa mula sa Philippine Navy at dalawa mula sa senate security bureau.
Dahil dito hindi na pinagbigyan ng PNP ang hiling na renewal para sa excess security ng senador.
Paliwanag ni Durana na batay sa mahigpit na pagpapatupad ng Alunan Doctrine dalawang security personnel lang ang pinapayagang italaga sa bawat government officials.
Una nang nagreklamo si Senador Trillianes dahil sa pag-recall o pagbawi ng kanyang mga security details nang wala man lang paliwanag.
Giit ni Durana dapat ay dalawang security detail lang ang italaga kay Senador Trillianes kung PNP ang tatanungin.