BINAWI NA | Travel ban ng South Korea sa mga lungsod ng Davao at Cagayan de Oro, inalis na

Inalis na ng gobyerno ng South Korea ang inisyu nilang travel ban advisory sa Davao City at Cagayan de Oro City.

Una nang naglabas ang Seoul noong nakaraang taon ng travel warnings sa mamamayan nito dahil sa ipinatupad na Martial Law sa Mindanao.

Matatandaang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas militar ang Mindanao dahil sa pag-okopa ng Maute-ISIS Group sa Marawi City.


Pinalawig naman ng kongreso ang Martial Law hanggang sa pagtatapos ng 2018.

Facebook Comments