Binay, inalmahan ng mga netizens sa hindi pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema

Inalmahan ng mga netizens ang paninindigan ni Makati City Mayor Abby Binay na suwayin ang pinal na desisyon ng Korte Suprema at ituloy pa rin ang laban sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig City.

Sa viral video ni Binay na kumalat sa social media platforms, sinabi nitong tuloy pa rin ang laban.

Kasunod ang pagkalat sa social media ng propaganda na “Makatizens, hindi pa tapos ang laban.”


Karamihan sa mga netizens ay hindi sang-ayon kay Binay bagkus pinayuhan siyang respetuhin na lang ang desisyon ng Korte Suprema.

Isa sa dahilan kung bakit may ilang tumatanggi na mailipat ang mga barangay sa Taguig ay dahil sa nakukuhang benepisyo sa Makati, subalit ilang residente naman ng Taguig ang naglabas din ng saloobin sa social media at nagsabing mas maganda ang pamamalakad sa lilipatang siyudad.

Ang 30 taong territorial dispute sa pagitan ng Makati City at Taguig City ay tinapos na ng Supreme Court sa ipinalabas na resolusyon noong Abril pabor sa Taguig City.

Una nang inaangkin ng Makati City ang popular na inner Fort Bonifacio na kinabibilangan ng pitong barangay.

Facebook Comments