Manila, Philippines – Kinu-kwestiyon ngayon ng kampo ni VicePresident Leni Robredo ang halaga na dapat bayaran ni dating Sen. Bongbong Marcosbilang requirement sa kanyang protesta para sa Vice Presidential Race laban sabise presidente.
Sa interview ng RMN sa tagapagsalita ni Robredo na si GeorginaHernandez, ipinunto nito na hindi lang dapat kabuuang 66 million pesos ang dapatbayaran ni Marcos kundi, P185 million.
Ayaw naman magkomento dito ang kampo ni Marcos, kung saansinabi ni Atty. Vic Rodriguez, abugado ni Marcos na positibo sila namagtutuloy-tuloy na ang pag-usad ng kanilang election protest.
Kahapon ay nagdeposito na ang kampo ni Marcos ng P36.02million bilang paunang bayad sa Supreme Court na nagsisilbi bilang PresidentialElectoral Tribunal.
Binayarang halaga ni dating Sen. Bongbong Marcos kaugnay sa election protest nito laban Kay Vice President Leni Robredo – kinukwestyon ng kampo ng bise president
Facebook Comments