Binebentang mga murang karne ng baboy ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, dinagsa

Pinipilihan na ng mga residente ng lungsod ng Mandaluyong ang tinayong munting palengke sa harapan mismo City Hall.

Mga frozen na karne ang ibinebenta dito kaya naman mura ito kumpara sa mga karne sa public market.

Ang presyo ng pigue nasa P260 per kilo, tamang presyo sa ipinatutupad na price ceiling ng gobyerno.


Habang ang liempo ay mababa naman ng sampung piso sa price ceilling, dahil ang isang kilo nito rito ay nasa P290.

Nasa P105 naman ang 750 grams ng manok.

Ang nasabing proyekto ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong na tinawag nilang “I meat you”- Munting Palengke, Murnang Karne na nagsimula noong Lunes at matatapos bukas.

Katuwang nila ang Department of Agriculture (DA) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Facebook Comments