Binga Dam, nagpakawala ng tubig ngayong umaga dahil sa mga pag-ulan

Nagpakawala na ng tubig ang Binga Dam bunsod ng mga pag-ulan dala nang Bagyong Crising at habagat.

Sa dam monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometreology Division, isang gate ang binuksan sa Binga Dam.

As of 8:00 a.m. umabot na sa 573.05 meters ang lebel ng tubig sa Binga, malapit sa 575 meters na normal high water level nito.

Patuloy naman na naka-monitor ang Department of Science and Technology (DOST)-PAGASA sa mga dam sa Luzon sa posibilidad na pagbubukas ng mga gate nito dahil sa patuloy na epekto ng Bagyong Crising at habagat.

Facebook Comments