Isinailalim na sa inquest proceedings sa City Prosecutors office si QC Congressman Bingbong Crisologo.
Kasong Unjust Vexation, Serious Physical Injuries at Obstruction of Justice ang isinampa ng Quezon City Police District kay Mayoralty candidate Bingbong Crisologo.
Nagkasagutan pa sina Crisologo at QCPD District Dir. Police B/ Gen. Joselito Esquievel matapos na ipilit ng huli na panumpaan ni Crisologo ang ginawang paninigaw ni Station 3 Commdr Alex Alberto.
Nauna rito, dakong alas-8:00 ng kagabi nang magkaroon ng komosyon sa isang bahay sa Brgy. Bahay Toro na nirespondehan ng mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon na may nangyayaring vote buying sa Barangay Bahay Toro.
Dumating si Crisologo at pinagmumura, pinagtutulak at pinagbantaan pa station 3 Commander Alex Alberto.
Kaugnay nito,iginiit ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Crisologo na dapat palayain ngayong araw si Bingbong dahil sa kawalan ng ebidensya ng vote buying.
Hindi aniya magagawa ni Crisologo na mag-vote-buying dahil Ilokano ito at napaka kuripot.
Aniya, isa lamang itong panggigipit kay Crisologo na mahigpit na katunggali ni Vice Mayor Joy Belmonte.