BINHI AT ABONO, IPINAMAHAGI SA TAGARAN

CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng distribusyon ng binhi at abono sa mga magsasaka sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Daniel Acob, ang nasabing binhi at abono ay nagmula sa Department of Agriculture.

Aniya, nasa 52 magsasaka ang tumanggap ng nasabing binhi at abono kung saan bawat isa ay nakatanggap ng isang bag ng abono at limang kilo ng binhi ng mais.


Dagdag pa niya, ang mga benepisyaryong nakatanggap nito ay nag-apply sa RSBSA at kinakailangang magsumite ng kaukulang dokumento upang makatanggap nito.

Samantala, may mga humabol pa ring corn at rice farmers sa pagsumite ng form upang makatanggap ng ayuda sa susunod na batch.

Facebook Comments