BINHING SIBUYAS, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA

Halos 8 milyong piso na halaga ng mga binhing sibuyas ang ipinamahagi sa mga onion farmers ng Aritao, Nueva Vizcaya mula sa Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules, Oktubre 12, 2022.

Layon nito na patatagin ang lokal na produksyon ng sibuyas sa lalawigan sa susunod taon.

Ang mga benepisyaryo ay ang mga miyembro ng Federation of Aritao Farmers Onion, Garlic and Ginger Growers Association (FAFOGGGA) na mula sa mga barangay ng Calitlitan, Banganan, Bone North, Bone South, Nagkuratelan, Cutar, Poblacion, Comon, at Darapidap.

Nasa kabuuang 1,306 kilos ng Red Dragon, Red Pinoy, at Shallot Maserati F1 na variety ng sibuyas ang ipinamahagi sa 1,500 magsasaka.

Ayon sa DA Nueva Vizcaya Experiment Station (NVES), ang nasa higit 1,000 kilo ng mga binhing sibuyas na naipamahagi ay maitatanim sa 326.5 hectares ngayong planting season.

Bukod sa mga binhi, nagbigay rin ang DA ng mga interbensyon sa sibuyas upang mapabuti ang productivity nito at matiyak na mayroong mapagdaldalhan na merkado ang mga produktong sibuyas.

Ang onion planting season sa Aritao ay nagsisimula sa Setyembre at ang pag-aani ay magsisimula sa Disyembre.

Kaya, ang mas mataas na presyo ng sibuyas ay maaaring maobserbahan sa Hulyo hanggang Nobyembre sa susunod na taon.

Facebook Comments