Binibini mula Midsayap tinanghal na Miss Progress International 2017

107

Nagbubunyi ngayon ang bayan ng Midsayap sa tagumpay na nakamit ng isang Midsayapeṅa sa katatapos lamang na international beauty pageant.

Ito ay sa katauhan ni Jedaver Pancho Opingo na kinoronahan bilang Miss Progress International 2017 sa Puglia, Italy nito lamang Oct 21, 2017.

Nakuha ni Opingo ang korona ng prestihiyosong beauty pageant matapos na magpakita ito ng husay at talino sa pageant production, presentation of candidates, question and answer at maging sa on line voting, ayon pa sa Missosology website.
Tinalo rin ni Opingo ang 18 iba pang naggagandahang dilag mula sa iba’t-bang bansa sa buong mundo.

Maliban sa korona ng Miss Progress International 2017, humakot din ng iba pang awards si Opingo, kabilang dito ang Miss Popular Vote, First Runner-Up in Best in National Costume, at Miss Progress Human Rights.

Kaugnay nito, masayang inilipat ni Miss Progress International 2016 Natascha Fischer ng Netherlands ang korona kay Opingo ginanap na grand pageant at coronation night.

Nakuha naman ng Italy ang Miss Progress Environment, Ukraine-Miss Progress Cultural, at Peru-Miss Progress Health.
Tulad ng Miss Universe, Miss World, at Miss International, may sariling layunin din ang Miss Progress International at kabilang dito ang pagsulong ng Health, Environment, Human Rights, at Cultural Integration. *(JIMMY STA CRUZ-PGO IDCD/Media Center)*

Facebook Comments