Beautiful FACE, intellectual and emotional INTELLIGENCE, at TONED healthy body ang hanap ng beauty pageant na Miss Fit Philippines kung saan dalawampu’t isang kandidata ang maglalaban para sa korona.
Kaya naman handa na rin ang ating pambato para sa naturang pageant na si Khezia Andrea Sison, tubong Santa Barbara, Pangasinan.
Sa katatapos lamang na preliminary competition nitong September 22, araw ng Lunes, nagpakitang gilas na si Khezia ng kaniyang beauty, body, and brain kaya naman pasok siya sa Top 8 Belle Beauties.
Makakatunggali ni Khezia ang ilan pang kandidata mula sa iba’t ibang probinsiya sa bansa sa darating na coronation night sa September 27, 2025.
Buong buo ang suporta ng bayan ng Santa Barbara at mga Pangasinense sa laban para sa korona ni Khezia Andrea Sison. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









