BINIBINING PILIPINAs | Mga candidates, rarampa mamaya sa Quezon City

Manila, Philippines – Rarampa mamaya alas 4 ng hapon sa lungsod Quezon ang 40 naggagandahang mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2018.

Ito na ang huling major event ng mga binibini bago ang coronation night sa March 18.

Isusuot ng mga kandidata ang one piece swimwear na dinisensyo ni Domz Ramos kapares ng mga makukulay na headdresses.


Simula sa Kia Theater tutungo ang parada sa Ali Mall via General Aguinaldo Avenue, paikot sa lugar kung saan ang last stop ay sa Gateway Mall Pavillon sa tabi ng Araneta Coliseum.

Ayon sa mga organizers ng Binibining Pilipinas, ang paradang ito ay upang mailapit sa pedestrians ang mga kandidata at para makita ang mga ito up close.

Facebook Comments