
Kinoronahan na noong Miyerkules ang bagong icon ng Binibining Urdaneta 2025 matapos ang star-studded na Coronation Night.
Sa pagtatapos ng patimpalak, kinilala bilang Bb. Urdaneta 2025 ang kandidato mula sa Brgy. Sto. Domingo na si Mary Joy Tobias; Bb. Urdaneta 1st Runner Up – Binibining Poblacion Samantha Talvo Long; at Bb. Urdaneta 2nd Runner Up – Binibining Camanang Grachelle Kyla Gomez.
Samantala, itinuturing naman na kasaysayan ang naturang kaganapan matapos pumalo sa 418,000 views ang live event mula sa 66,100 views nong 2024.
Kabilang sa special guests at Selection Committee, sina Miss Universe PH 2014 Mary Jean Lastimosa, Beautederm CEO Rei Anicoche-Tan, Miss Baguio 2024 Gwendoline Meliz Soriano, Miss Cordillera 2025 Heaven Moran at Pageant Vlogger,Jonathan Santos.
Back-to-back ang star studded pageants sa lungsod matapos ganapin kagabi ang Miss Gay Urdaneta na dinaluhan naman ng mga personalidad sa modelling industry. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









