BINIDA | Bandila ng Pilipinas at jeepney, featured ngayon sa bagong music video ng Korean girl group na Momoland

Korea – Featured ngayon sa bagong music video ng Korean girl group na Momoland ang bandila ng Pilipinas at ang sikat na sasakyan ng bansa na jeepney.

Matapos ilunsad ang hit song na “Bboom Bboom” noong nakaranag limang buwan, abangan na daw ng mga fans ang bago nilang single na “Baam” kung saan makikita dito na hawak ng isa kanila ang flag ng Pilipinas habang nasa background ang jeepney.

Matatandaan naman na nitong Biyernes ay inanunsiyo ng grupo na plano nilang bumista sa Pilipinas at nais nila ma-meet ng personal si Liza Soberano na kamukha daw ng isa nilang miyembro na si Nancy.


Facebook Comments