Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga
bagong opisyal ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at
Bureau of Jail Management And Penology na maging maingat at mapagmatyag.
Binanggit ito ng Pangulo sa graduation ceremony ng PNPA MARAGTAS class of
2018 sa PNPA academy sa Silang, Cavite.
Ayon sa commander-in-chief, matindi kasi ang banta ng mga hit squad ng
rebeldeng New People’s Army sa mga pulis at mga sundalo.
At bilang mga bagong opisyal kasama agad sila sa mga target ng mga
rebeldeng komunista.
Tiniyak din ng Pangulo na sakaling malagay sa alanganin ang buhay ng mga
bagong opisyal habang ginagampanan ang kanilang tungkulin ay huwag silang
magdalawang-isp na lumaban dahil sagot sila ng pangulo kung sila ay
makakapatay.
Dahil maliit ang bilang ng nagtapos sa PNPA ngayong taon, hinimok ng
Pangulo ang mga nais maging opisyal sa PNP na mag-apply.
Maglalaaan ng karagdagang pondo ang Pangulo para makakuha pa ng mga opisyal
para sa PNP.
Sinabi rin ng Pangulo na hinding hindi na makikisangkot ang Pilipinas sa
anumang expedition na gagawin ng Amerika laban sa ibang bansa.