BINIGYANG DIIN | Anti-colorum operations ng LTFRB, magiging walang patawad

68

Manila, Philippines – Walang patawad ang gagawing anti-colorum operations ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buong bansa.

Ito ang binigyang diin ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

Base na rin ito sa mahigpit na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang insidente ng pagkahulog ng Dimple Star Bus sa Occidental Mindoro kung saan labing siyam ang nasawi.

Ayon kay Delgra, aarestuhin ang mga driver at operator ng mga kolorum na bus na mahuhuling bumibiyahe.

Kapag pumalag ang mga ito, ipapatawag ang Highway Patrol Group (HPG) at ang Philippine Army para tumulong sa pag-aresto.

Facebook Comments