BINIGYANG DIIN | Mga pasaway, dapat puntiryahin ng PNP – Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa Philippine National Police na gawing anti-pasaway operation ang ikinasa nitong anti-tambay operation.

Ayon kay Gatchalian, solusyon ito sa mga reklamo na mga inosenteng tambay ang nagiging target ng bagong anti crime operation ng PNP.

Ipinunto ni Gatchalian na hindi naman pwede na porket nakatayo ka lang sa kalye ay huhuliin ka na at dadalhin sa presinto.


Giit ni Gatchalian, ang dapat huliin ay ang mga pasaway tulad ng mga umiinom at nagsusugal sa kalsada.

Binanggit din ni Gatchalian, na sa kanyang karanasan bilang Alkalde ay mga parusang multa, community service tulad ng paglilinis sa lansangan at babala lamang ang ipinapataw sa ganitong mga kasalanan.

Facebook Comments