BINIGYANG DIIN | Pag-angkat ng Pilipinas ng langis sa Russia, magiging gov’t to gov’t ang set up – DOE

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Department of Energy na magiging government to government ang transaksyon ng gagawing pag-angkat ng Pilipinas ng langis mula sa Russia.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Energy USEC Whimpy Fuentebella, hindi negosyo ang pinag-uusapan dito kundi ang matiyak na mayroong sapat na energy supply ang pamahalaan.

Tinitiyak rin aniya ng DOE na nakahanda na ang storage facility para sa stockpiling sa gitna ng pagnanais ng pamahalaan na hindi mauubusan ng supply ng langis.


Bukod sa Russia, matatandaang ilang bansang hindi kasapi ng OPEC ang ikinukunsidera ding pagkunan ng supply ng langis ng Pilipinas

Facebook Comments