Manila, Philippines – Binigyang diin ngayon ni Consultative Committee o ConCom Chairman Former Chief Justice Reynato puno na hindi maaring solohin ng Kamara ang pag-amyenda sa 1987 constituion.
Inihayag ito ni Puno sa isinagawang pagdinig ngayong araw ng Committee on Constitutional Ammendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Senator Kiko Pangilinan.
Sa Pagdinig ay sinabi naman ni Dating Senate President Nene Pimentel na tanging si House Speaker Pantaleon Alvarez lamang ang nag-iisip na pwedeng solohin ng Kamara ang Charter Change o Cha-cha na syang daan sa Federalismo.
Pero kahit magkasamang magsasagawa ng Cha-cha ay sinabi ni Puno at ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Eduardo Nachura na pwedeng magkahiwalay na bomoto ang mga Senador at Kongresista.
Sa hearing ay sinabi naman ni ConCom Spokesperson DING Generoso na misleading o mapanlinlang ang Pulse Asia Survey na 67 percent ng mga Pilipino ay tutol sa panukalang baguhin ang konstitusyon.
Paliwanag ni Generoso, pinagsama kasi ng pulse asia ang bilang ng mga sumagot na ayaw nila sa Cha-cha, at yaong ayaw sa Cha-cha ngayon pero payag silang gawin ito sa hinaharap.
Sa pagsisimula naman ng pagdinig ay agad nilinaw ni Pangilinan na wala pang posisyon ang Senado sa planong Cha-cha at kung dapat bang gawing Pederalismo ang kasalukuyang Presidential na porma ng ating gobyerno.