Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita ng ika 46th anibersaryo ng Martial Law , binigyang parangal ng Commission on Human Rights ang mga naging biktima ng diktadurya.
Sa isang aktibidad na may may temang “Never Again, Never Forget: A day of remembrance for democracy and freedom, pinirmahan ang isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng UP Diliman at CHR para sa pagtatayo ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Museum na itatayo sa loob ng pamantasan.
Sinabi ni CHR Chairperson Chito Gascon na bubuhayin ng museo ang alaala ng bangis ng batas militar.
Kabilang sa Bibigyang pugay sa museum ay mga biktima ng motu proprio cases na hinawakan ng Human Rights Victims’ Claims Board.
Lahat ng mga ito aniya ay pinili na hindi mapabilang sa mga pinagkalooban ng financial reparation o bayad pinansala sa pinagdaanan nilang pang aabuso at pagyurak sa kanilang dignidad.
Binigyan diin ni Gascon na mahalaga ang paggunita sa martial law sa konteksto ng kahalagahan ng ginagampanang trabaho ng CHR sa ilalim ng Duterte administration.
Aniya, hindi dapat mawala sa diwa ng susunod na salinlahi ang aral ng nakalipas na rehimen upang hindi na maulit pa ang mga human rights violations at authoritarian abuses.
Bagamat, pinili ng ilan na mag move on na lamang, iginiit ni Gascon ang pagpanagot pa rin sa mga nagkasala para sa paghihilom ng sugat.