Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagitingan ng mga sundalong nasugatan sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul Sulu kamakailan.
14 na sundalo na naka-confine sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo Sulu ang binigyang ng pagkilala ng Pangulo sa pamamagitan ng paggawad sa mga ito ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kampilan.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, binigyan din ni Pangulong Duterte ng cash assistance ang mga sundalo, isa pang special financial assistance mula sa comprehensive social benefits package ng Office of the President, cellphones, relo at gun certificates para sa 45 caliber na pistol.
Sinabi ni Go na pinangunahan ni Pangulong Duterte ang ceremonial distribution ng 45. caliber pistols kung saan 10 sundalong taga Sulu ang nakatanggap ng baril na pagtupad naman aniya ng kautusan ng Pangulo na dapat ay lahat ng sundalong ide-deploy ay mayroong pistol na bitbit.
Ibinida ni Go na nitong September 23 ay natanggap ng joint Taskfoce Sulu ang mahigit 2800 na pistol para sa Philippine Army at panibagong 250 pistols naman ang para sa Philippine Marines.
Isa pang 250 na pirasong baril ang inaasahang darating sa loob ng linggong ito na ibibigay din sa Philippine Marines.
Sa pagsasalita ng Pangulo ay tiniyak din nito sa mga sundalo ang buong suporta ng kanyang administrasyon at sa kanilang mga pamilya.