BINILI NA | Transport network company na Grab, binili ang operasyon ng kakompetensya nitong Uber sa Southeast Asia

Manila, Philippines – Binili na ng transport network company na Grab ang operasyon ng kalaban nilang Uber sa Southeast Asia kabilang na sa Pilipinas.

Dahil dito, lalo pang lalawak ang network ng Grab.

Kasama sa mga binili ng grab ang ride share at food delivery na negosyo ng Uber.


Kapalit nito ang 27.5 percent stake ng Uber sa Grab.

Pero sabi naman ng Philippine Competition Commission (PCC) Chairman Arsenio Balisacan, wala pa silang natatanggap na abiso mula sa Grab.

Kailangan aniyang ipaalam sa ahensya ang deal 30-araw matapos ng pirmahan ang dalawang kumpanya lalo na kung higit 20-bilyong piso ang halaga ng transaksyon.

Sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – hihintayin nila ang manifestation mula sa Uber.

Patuloy namang makikipag-ugnayan ang Grab sa gobyerno para mas mapaganda ang kanilang serbisyo.

Tuluyang mawawala ang Uber sa Abril a-otso tanging Grab at U-hop na lamang ang makakapagbigay ng serbisyo para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) market.

Facebook Comments