Darating na rin sa bansa ngayong buwan ang 1 million doses ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno mula sa Sinovac.
Ito ang inanunsyo ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. kasabay ng vaccine rollout ng Astrazeneca sa Sta. Rosa, Laguna ngayong araw.
Ayon kay Galvez, darating ang mga bakuna sa March 21, araw ng Linggo.
Bukod sa mga biniling bakuna, magdo-donate muli ang Chinese government ng karagdagang 400,000 doses ng Sinovac vaccine na inaasahang darating din sa bansa ngayong buwan.
“So 1.4 million ang darating this March,” ani Galvez.
February 28 nang matanggap ng Pilipinas ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng gobyerno ng China.
Ang Sinovac vaccine ang kauna-unahang bakunang dumating at ginamit sa bansa.
Facebook Comments