Biniling Astrazeneca vaccines ng Manila LGU, posibleng dumating na sa Marso

Posibleng dumating na sa susunod na buwan ang biniling Astrazeneca COVID-19 vaccine ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa isang panayam, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na sa Marso ang posibleng pinakamaagang dating ng mga bakuna sa lungsod.

Maaari rin na sa Hunyo habang worst-case scenario kung dumating ito sa Setyembre.


Noong nakaraang linggo matatandaang naglabas na ang LGU ng 20 percent down payment para sa mga bakuna na nagkakahalaga ng P38.4 million.

Nasa 800,000 doses ng COVID-19 vaccine ang binili ng Maynila sa Astrazeneca na gagamitin para bakunahan ang 400,000 residente ng lungsod.

Samantala, ayon sa alkalde, handa rin siyang magpabakuna sa harap ng publiko gamit ang Sinovac vaccine at anumang bakunang darating sa bansa basta may emergency use authority mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments