BINISITA | Balangiga bells dinarayo ng mga estudyante

Kasunod nang pagbalik sa bansa ng Balangiga bells.

Sinimulan na itong dayuhin ng publiko partikular na ng mga estudyante na nakalagak sa Philippine Air Force Museum sa Pasay City para personal na makita ang mga kampana.

Bwena mano kanina ang mga estudyante ng The Bridge Water School na bumyahe pa mula Siniloan, Laguna makita lamang ang mga makasaysayang Balangiga bells.


Bukas sa publiko ang viewing ng mga kampana sa Philippine Air Force Museum, Villamor Air Base mag mula alas otso ng umaga hanggang alas cinco ng hapon nang libre.

Nakatakda namang ibalik sa hometown nitong Balangiga ang mga kampana sa Sabado, December 15.

Matatandaang kahapon naisauli na ang mga kampana matapos ang 117 taon na kinuha ng mga sundalong Amerikano mula sa simbahan sa Balangiga, Eastern Samar sa kasagsagan ng Philippine-American war bilang “war booty”.

Facebook Comments