BINITAWAN | Vasyl Lomachenko – binakante na ang WBO Junior Lightweight title

Binakante na ni Ukrainian boxer Vasyl Lomachenko ang kanyang WBO Junior Lightweight title.

Bilang paghahanda ito sa susunod niyang laban sa August 25 sa California.

Ayon kay Top Rank Vice President of Boxing Operations Carl Moretti – nagpasya si Lomachenko na bitawan ang titulo dahil nais raw nito ipagpatuloy ang kanyang kampanya sa Lightweight division.


Posibleng magtunggali para sa binakanteng titulo ni Lomachenko sina Christopher Diaz ng Puerto Rico at Masayuki Ito ng Japan.

Nabatid na ang 30-year old double olympic gold medalist din ang napipisil na makalaban ni Pinoy Champ Manny Pacquiao sakaling manalo siya kay Lucas Matthysse sa kanilang July fight.

Facebook Comments