Pride ng Binmaley ang 23 taong gulang na si Reven Dave Cerezo na nagwagi bilang 4th Runner Up sa Mister Glam International 2024 na ginanap sa Manila.
Ang naturang pageant ay nilahukan ng 25 contestants mula sa iba’t-ibang bansa.
Tanging si Reven ang kinatawan ng Pilipinas sa naturang patimpalak na mula sa Brgy. San isidro norte sa bayan.
Ayon kay Reven, Elementary pa lang ay sumabak na ito sa mga male pageant.
Si Reven ang reigning Mr. Binmaley nang maipanalo niya ito taong 2023 at Ang Mister Glam International naman ang kaniyang unang international pageant.
Bagamat hindi naiuwi ang titulo bilang grand winner, naging maganda umano ang experience ni Reven sa pageant.
Wagi naman ang Mister Glam International 2024 na si Asse Asraf ng Thailand at mga runner ups mula India, Australia, at Vietnam.
Sa huli, nagpasalamat naman si Reven sa mga sumuporta sa kaniya at patuloy na sinasamahan siya sa kaniyang pageant journey. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨