BINMALEY VICE MAYOR ROSARIO, HINAHAMON NG DEBATE SI MAYOR MERRERA

Ito ang naging pahayag ni Binmaley Vice Mayor Simplicio Rosario sa patuloy umanong pambibintang ni Mayor Merrera laban sa kanya.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan sa bise alkalde, muli nitong hinamon si Mayor Merrera sa isang debate upang magkaroon na nang kasagutan ang kada punto ng bawat alegasyon na patuloy na idinidiin umano sa kanya.

Giit ng opisyal ang ilan sa mga kwestyonableng hakbang ng administrasyong Merrera ukol sa hindi paggamit ng Mobile Clinic, waste management system, traffic lights, at pagdidiin ng maraming kaso na wala umanong basehan.

Sa naturang panayam, humingi rin ng kapatawaran ang bise alkalde sa mga Binmalenian dahil sa umano’y tumitinding palitan ng alegasyon ng dalawang mataas na opisyal at umaasa na lamang umano sa “day of reckoning” kung kailan malalaman ang karapat-dapat na manunungkulan sa bayan.

Samantala, ibinahagi rin sa IFM News Dagupan ni Mayor Merrera ang kanyang paninindigan na nagmula mismo sa Commission on Audit ang mga kinakasangkutang kaso ng bise alkalde at ilan pang kakulangan sa bayan na nagawa nito.

Nakahanda umano ang alkalde sa patuloy umanong paghahamon ni Rosario ng isang debate.

Sa huli, parehong iginiit ng dalawang opisyal na katotohanan lamang ang nais isiwalat para sa totoong asenso ng kanilang nasasakupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments