Nagbitiw na sa posisyon si Simplicio Rosario bilang bise alkalde ng Binmaley kahapon. Inilahad ng opisyal na dahilan ng matagal na umanong pagkakaiba at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng alkalde at mayorya ng Sangguniang Bayan kaya magbibitiw ito sa puwesto para sa kapakanan ng mga Binmalenians.
Bukas din umano ito na makiisa sa proseso ng turnover ng kanyang posisyon bilang transition sa panunungkulan. Epektibo ang irrevocable resignation ni Rosario sa May 16, higit Isang buwan bago ang pagtatapos ng kanyang termino matapos hindi palarin sa Mayoral Candidacy sa katunggaling si Re-Elected Binmaley Mayor Pedro Merrera III.
Samantala, nauna nang naghain ng irrevocable resignation ang anak ni Rosario at Incumbent Brgy. Captain ng Nagpalangan Binmaley na si Jonas Rosario noong May 14. Ayon sa nakababatang Rosario, nagbitiw ito sa pwesto upang hindi na madamay sa tensyon ang kaniyang nasasakupan.
Nilinaw naman ni Mayor Merrera na ‘subject for investigation’ pa ang kanyang pagbibitiw dahil dadaan pa sa audit o check and balance ng DILG ang kapitan upang malaman kung wala itong kakulangan sa gobyerno.
Sa official tally of votes, nagwagi si Merrera sa pagka-alkalde matapos makakuha ng higit labing isang libong boto na pagitan sa katunggaling si Rosario.
Matatandaan na isa rin ang bayan na isinailalim ng COMELEC sa Yellow Category Areas of Concern sa Pangasinan dahil sa posibleng political unrest. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments