Bintang na bahagi ng destabilisasyon ang transport strike, ikinairita ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Ikinagalit ng isang mambabatas ang bintang ng LTFRB na bahagi ng destabilisasyon laban sa pamahalaan ang transport strike ngayon ng PISTON.

Giit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, malisyoso ang binta ng LTFRB dahil ang nais lamang ng grupo ay ipaglaban ang kanilang kabuhayan.

Nais lamang tutulan ng mga operators at drivers ng mga jeepneys ang phase-out ng mga jeeps at pagtaas ng presyo ng langis.


Sinabi pa ni Zarate na mukhang takot ang administrasyon sa galit ng mamamayan patungkol sa extra-judicial killings at lumalalang kondisyon ng kahirapan sa bansa.

Ayon pa sa kongresista, kung lahat na lang nang kilos-protesta ay iuugnay sa destabilisasyon, pinatutunayan lamang ng administrasyon ang pagsiil sa karapatan ng mga tao.

Facebook Comments