Bintang ni VP Sara na kagagawan umano ng administrasyon ang kumakalat na video ni Cong. Pulong Duterte, kinuwestyon ng Malacañang

Hindi na nagli-level up si Vice President Sara Duterte sa pagtalakay sa mga isyu na puro palusot at pamumulitika lamang.

Ito ang bwelta ng Malacañang sa alegasyon ng bise presidente na ang reklamo laban sa kapatid na si Cong. Pulong Duterte ay parte ng political attacks ng administrasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, paanong ibibintang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa administrasyon ang ginawa ni Cong. Pulong sa viral video gayong hindi naman ito inamin at hindi rin itinanggi ng kongresista.

Dagdag ni Castro, alam ni Cong. Pulong ang batas at ang kanyang mga obligasyon bilang public servant kaya dapat sagutin nito ang reklamo laban sa kanya.

Facebook Comments