BINU-BULLY | CJ Sereno, direktang inupakan si Pangulong Duterte tungkol sa kinahaharap na Quo Warranto Petition

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon direktang inupakan ni SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte.

Puno ng paninisi at kantiyaw ang laman ng naging talumpati ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos niyang tanggapin ang parangal na ibinigay ng Movement Against Tyranny.

Aniya, panggigipit at pambu-bully ang nararanasan niya sa administrasyong Duterte.


Iginiit ni Sereno na hindi siya naniniwalang walang kinalaman si Pangulong Duterte sa inihaing Quo Warranto petition laban sa kanya.

Kung walang kamay dito si Duterte, bakit si solicitor General Jose Calida ang naghain nito sa Supreme Court.

Nakakahiya umano na mismong ang Solicitor General ang magkalkal ng kung ano-anong mga ebidensya noong siya ay 30-anyos pa lamang na ngayon ay 57-anyos na.

Binatikos din ng punong ehekutibo ang kasamahang si Supreme Court Associate Justice Teresita De Castro, na iba na ang sinasabi sa ngayon kumpara noong una.

Binigyan diin ni Sereno na simula ng umupo siya bilang Chief Justice ay inisa-isa niyang puntahan ang mga Associate Justices na aniya’y sila mismo ang nagsabing kauna-unahan itong nangyari.

Aniya, taliwas na sa pahayag ngayon ng kanyang mga kasamahang opisyal na siya ay naghahari-harian.

Hindi rin niya makakalimutan ang sinabi sa kanya ni Associate Justice De Castro na hindi niya dapat tinanggap at hindi dapat nag-apply bilang punong mahistrado.

Ang upak, banat at pag tatlumpati ni CJ Sereno ay isang araw bago ang Oral Argument sa Quo Warranto petition laban sa kanya sa Baguio City.

Facebook Comments