BINUBUGAW | Mga kabataang refugee mula sa Rohingya, ginagamit na sex slaves habang nasa refugee camps

Rohingya – Arestado sa entrapment operation na isinagawa ng Bangladesh
police ang isang bugaw na iniaalok ang mga kabataang refugee mula sa
Rohingya.

Napag-alaman na dahil sa hirap ng buhay sa refugee camp, madaling nabobola
ang mga babaeng edad 13 hanggang 17 taon na pumasok sa prostitution.

Ilang kaso rin ng panggagahasa habang ibinibiyahe ang mga kabataan mula sa
war zone sa Rohingya patungo sa mga safe house sa Bangladesh ang naitala.


Patuloy ang imbestigasyong ginagawa ng mga otoridad para maisalba ang mga
kabataang biktima.

Facebook Comments