BINUHAY | Task force ng DOE, inalerto bilang paghahanda sa bagyong Samuel

Manila, Philippines – Binuhay ng Department of Energy Task Force on Energy Resiliency ang Energy Command Center ng kagawaran, bilang paghahanda sa pagpasok ng Tropical Depression Samuel sa Philippine Area of Responsibility.

Inalerto ng Department of Energy ang lahat ng miembro nito upang imonitor ang energy supply sa mga potensyal na lugar na tatahakin ng Bagyong Samuel.

Nakipag ugnayan na ang DOE sa National Electrification Agency, Electric Cooperative, National Power Corporation at National Grid Corporation ng Pilipinas.


Nagpapatupad na ngayon ang energy family at stakeholders ng mga kinakailangang paghahanda at pag-iingat upang mabawasan ang epekto ng Bagyong Samuel sa operasyon ng transmisson at facilities.

Kabilang sa paghahanda ang pagtiyak sa reliability ng communications equipment, availability ng hardware materials at supplies na kakailanganin para sa pagkukumpuni ng mga mapipinsala sa pasilidad, gayun din ang positioning ng line crew sa mga estratehikong lugar para sa agarang restoration works.

Habang nakamonitor ang DOE Energy Command Center sa lahat ng power restoration activities, reports, updates mula sa regional command centers sa Visayas at Mindanao na direktang maaapektuhan ng Bagyong Samuel.

Facebook Comments