Manila, Philippines – Tinukoy ni Senator Nancy Binay si dating Secretary Mar Roxas na umano’y nakinabang sa mga iregularidad sa nagdaang 2016 Presidential elections.
Sabi ni Binay, ito ay base sa mga dokumento na ipinakita sa kanya ng grupo ng computer experts na nagsabi na mayroong umanong dayaang naganap sa nagdaang halalan.
Si Roxas ay pumwesto pangalawa sa mga natalong kandidato sa pagka-pangulo noong 2016 na kalaban ng ama ng senadora na si dating Vice President Jejomar Binay.
Sabi ni Senator Binay, sa mga dokumentong ipinakita sa kanya ay lumalabas na mayroong napaboran at tumaas ang boto habang nakakapagtaka na ang kanyang ama ay zero ang botong nakuha sa ilang presinto.
Ayon kay Binay, hinayaan na lang niya ang nasabing grupo ng mga computer experts dahil hindi naman siya techie o may sapat na kaalaman sa teknolohiya at hindi rin niya alam kung paano madetermina kung mapagkakatiwalaan ang bitbit na dokumento ng mga ito.
Sabi ni Binay, layunin ng grupo na mapigilang maulit muli ang dayaan sa darating na 2019 elections.
<#m_-7577883825511131263_m_4760102527479476391_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>