BINUKING | Gordon, may impormasyon na pinili lang ang sinampahan ng kaso kaugnay sa Pork Barrel Scam

Manila, Philippines – May kumpirmadong impormasyon si Senator Richard
Gordon na pinili lang talaga ang mga kinasuhan kaugnay sa Pork Barrel Scam.

Ayon kay Gordon, isang abogado na malapit kay Pork Barrel Scam Queen ang
nagsabi sa kanya nito noon.

Pinaalala pa ni Gordon ang pagdadala kay Napoles sa palasyo at pagkatapos
ay ilan ang idinawit nito.


Ngayon ay umaasa si Gordon na ilalabas na ni Napoles ang lahat ng sangkot
sa PDAF Scam at wala na itong papaboran.

Okay lang kay Gordon na gawing state witness si Napoles kung ito lang ang
paraan para lumabas ang katotohan at gumulong ang hustisya.

Facebook Comments